Entry: Pinatubo Climb Monday, February 27, 2006



at dahil sa kagustuhan kong umakyat ulit ng bundok, at dahil na rin  sa kadahilanan na wala akong makasama, naglakas-loob akong sumama sa isang fun climb ng isang grupo na nakita ko sa internet...mabait naman sila at accomodating...

matapos ang nakakapagod kong deployment sa geothermal plant sa dumaguete sa visayas, habang nagkakagulo sa edsa at makati, umalis ulit ako ng maynila nung nakaraan weekend  upang magpakapagod sa napaka-habang lakaran papunta sa crater ng pinatubo. mahirap dahil wala akong constant companion, kung sino lang ang makasabay ko sa trail. un lang.

marami akong natutunan sa akyat kong ito. kaya ko pala makisama sa isang grupo na wala akong kaibigan o kakilala man lang, panimulang praktis ito para sa isang malaki at mas malayong byahe na pinaghahandaan ko kung saan wala akong kilala at walang maasahan.. nagkaroon din ako ng mas mahabang panahon na makapagmuni-muni ng mas matagal habang tinatanaw ang kagandahan ng paligid...

isang mahalagang aral ang  natutunan ko sa pinatubo climb na ito.....ang isang bagay na nagdulot ng masama sa nakakararami tulad na lang nang pagputok ng bulkan nuong 90's ay maaring magdulot din ng kagandahan at kabutihan sa tamang panahon... naka-move on na ang mga naninirahan dito, at isa na itong  tourist spot kung saan  napakaraming turista ang nakasalubong namen ang nabighani sa lugar.

ang grupong  nag-ampon sa kin para makarating sa pinatubo....

ang mainit at maalikabok na lakaran....buti nalng maganda ang panahon...

maraming streams ang kelangan tawirin, matapos mabasa ang sapatos ng tubig, buhangin naman ang kalaban.....hehehehe

batang ligaw...

at ang pinakamalupit sa lahat..ang pinatubo crater..

malamig ang tubig.....

sa lahat nang nakilala ko sa pinatubo climb, maraming salamat....sana makasama pa ko sa mga susunod ninyong akyat...

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments